Questions? +1 (202) 335-3939 Login
Trusted News Since 1995
A service for political professionals · Wednesday, June 7, 2023 · 638,087,161 Articles · 3+ Million Readers

Valentine's episode of CIA with BA: Alan, Pia offer both legal and life lessons in love triangle

PHILIPPINES, February 14 - Press Release
February 13, 2023

Valentine's episode of CIA with BA: Alan, Pia offer both legal and life lessons in love triangle

Love is hard, and even more so if three people -- and their children -- are involved.

This was the situation that Senators Alan Peter and Pia Cayetano tried to resolve in the Valentine's Day episode of Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA) which aired on February 12, 2023 on GMA 7.

The case revolved around an unemployed man who fathered children with two different women. He had been living with the first woman and their children when he had two children with the second, whom he apparently never intended to support financially.

The matter was not kept secret from the first woman and they continued living together. The second woman, however, accused the first woman of physically hurting her children whenever they stayed with the couple.

For Senator Alan, the first step in resolving the matter was for the man to accept responsibility and work hard to give his children a better life.

"Una, magsabi ka talaga kung sorry ka. Pangalawa, gagawa ka talaga ng hakbang sa pagbabago. Ikaw ang maghabol. Huwag kang tumigil na ipakita na sincere ka," he said.

He volunteered to help the man gain employable skills by taking a Technical Education And Skills Development Authority (TESDA) course.

"Humanap ka ng trabaho. Willing akong mag-scholarship ka sa TESDA para magkaroon ka ng skill," he said.

Women empowerment

Senator Pia, for her part, encouraged the second woman to empower herself financially so she would not need to rely on anyone to support her children.

"What I want is mabigyan ka ng lahat ng support to be a wonderful, great single mom. We will help you sa financial (aspect) at kung may gusto kang aralin (para) magkaroon ka ng skill," she said.

"Tutulungan ka namin para maging magaling kang single mom sa dalawang anak. Tapos ipag-pray natin y'ung totoong prince charming naman na dadating sa buhay mo," she added.

Turning to the man, Senator Pia acknowledged that being a better father "does not happen overnight" and urged him to receive spiritual counseling.

"Willing naman tayong tumulong. May simbahan ba sa inyo na pwedeng magbigay sayo ng counseling? Kami may mga pastor kaming kakilala. Kailangan maturuan ka," she told him.

As to the physical injury sustained by the second woman's children, Senator Alan said the law is on her side in case she would decide to file a case against the first woman.

"Kung batas lang ang pag-uusapan, deretso ka lang sa prosecutor's office, sasabihin mo na ifa-file mo (ang kaso). Nandyan ang ebidensya," he told her.

Addressing the first woman and the man, Senator Alan said: "Kung nasampal mo, klarong may kaso y'an. Y'ung sustento mo (the father), hindi kasong kriminal 'yan pero may civil obligation ka talaga na magsustento,."

In the end, the man heeded the advice of the two lawyer-senators and vowed to fulfill his responsibilities as father to his children with both women.

The outcome fulfilled the mission of the show to educate Filipinos on the law and how it affects their daily lives.

CIA with BA, which airs every Sunday on GMA 7 at 11:30 p.m. with replays on Saturdays at 10:30 p.m. on GTV, is a continuation of the legacy of the siblings' father, the late Senator Rene Cayetano, whose radio and TV program "Compañero y Compañera" aired from 1997 to 2001.

Turning both sentimental and realistic, Senator Pia said she still believes in love but that it should bring out the best -- not the worst -- in people.

"Naniniwala ako sa pag-ibig. I love being in love, pero meron ding in love na hindi nakakatulong sa buhay natin," she said.


Alan, Pia nagbigay ng legal at life advice sa nasangkot sa love triangle sa Valentine's episode ng CIA with BA

Mahirap ang magmahal, lalo na kung tatlo ang sangkot, at naiipit ang mga anak.

Ito ang kasong niresolba nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa Valentine's Day episode ng Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA) na ipinalabas noong February 12, 2023 sa GMA 7.

Tungkol ang episode sa isang lalaking nagkaroon ng anak sa dalawang magkaibang babae sa kabila ng kawalan ng regular na mapagkakakitaan. Matagal na niyang kinakasama ang isa bago siya magkaanak sa isa pa. Ang anak niya sa pangalawa ay hindi niya nasusustentuhan.

Ayon pa sa ikalawang babae, ang isa niyang anak ay minsan nang sinampal ng kinakasama ng ama nito.

Pinayuhan ni Senador Alan ang lalaki na unang-una ay aminin ang kanyang kasalanan at tanggapin ang kanyang responsibilidad sa kanyang mga anak na mabigyan ang mga ito ng maayos na buhay.

"Una, magsabi ka talaga kung sorry ka. Pangalawa, gagawa ka talaga ng hakbang sa pagbabago. Ikaw ang maghabol. Huwag kang tumigil na ipakita na sincere ka," pahayag niya.

Alok ni Senador Alan, tutulungan niya ang lalaki na mag-aral sa TESDA para madali itong makahanap ng trabaho.

"Humanap ka ng trabaho. Willing akong mag-scholarship ka sa TESDA para magkaroon ka ng skill," aniya.

Women empowerment

Hinimok naman ni Senador Pia ang nagrereklamong babae na bigyan ng kakayahan ang sarili na tumayo sa sariling paa upang hindi na umasa pa sa sustento ng kahit sino para sa kanyang mga anak.

"What I want is mabigyan ka ng lahat ng support to be a wonderful, great single mom. We will help you sa financial (aspect) at kung may gusto kang aralin [para] magkaroon ka ng skill," aniya.

"Tutulungan ka namin para maging magaling kang single mom sa dalawang anak. Tapos ipag-pray natin y'ung totoong prince charming naman na dadating sa buhay mo," dagdag niya.

Pahayag pa ni Senador Pia, batid niyang ang pagbabago patungo sa pagiging isang mas mabuting ama ay hindi agad-agad nangyayari, kaya hinimok niya ang lalaki na sumailalim sa counseling.

"Willing naman tayong tumulong. May simbahan ba sa inyo na pwedeng magbigay sayo ng counseling? Kami may mga pastor kaming kakilala. Kailangan maturuan ka," pahayag niya rito.

Patungkol naman sa pananakit ng unang babae sa anak ng ikalawang babae, sinabi ni Senador Alan na siguradong sa kanya papanig ang batas kung sakaling magdesisyon itong ituloy ang pagsasampa ng kaso.

"Kung batas lang ang pag-uusapan, deretso ka lang sa prosecutor's office, sasabihin mo na ifa-file mo (ang kaso). Nandyan ang ebidensya," pahayag niya sa nagrereklamo.

Sabi naman ni Senador Alan sa lalaki at sa kinakasama nito: "Kung nasampal mo, klarong may kaso y'an. Y'ung sustento mo (the father), hindi kasong kriminal 'yan pero may civil obligation ka talaga na magsustento."

Sa huli, sumunod ang lalaki sa payo ng dalawang abogadong senador. Humingi ito ng tawad sa dalawang ina ng kanyang mga anak at nangakong haharapin ang responsibilidad niya bilang ama.

Sa pamamagitan nito, natupad ng episode ang misyon ng programa na ipabatid sa mga Pilipino ang batas at kung paano ito nakakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang CIA with BA, na ipinapalabas sa GMA 7 tuwing Linggo, 11:30 ng gabi, ay pagpapatuloy sa nasimulang misyon ng radio at TV program na "Compañero y Compañera" ng namayapang ama ng mga Cayetano na si dating Senador Rene Cayetano na napanood at napakinggan mula 1997 hanggang 2001.

Mapapanood ang replay ng CIA with BA tuwing Sabado, 10:30 ng gabi sa GTV.

Bago nagtapos ang Valentine's episode, idiniin ni Senador Pia na naniniwala siya sa pag-ibig, pero dapat ay nakabubuti ito sa tao at hindi nakasasama.

"Naniniwala ako sa pag-ibig. I love being in love, pero meron ding in love na hindi nakakatulong sa buhay natin," pahayag niya.

Powered by EIN Presswire
Distribution channels:


EIN Presswire does not exercise editorial control over third-party content provided, uploaded, published, or distributed by users of EIN Presswire. We are a distributor, not a publisher, of 3rd party content. Such content may contain the views, opinions, statements, offers, and other material of the respective users, suppliers, participants, or authors.

Submit your press release